
+ BARTOLOME
SA AWA NG DIYOS,
ARSOBISPO NG KONSTANTINOPLA – BAGONG ROMA AT PATRIYARKA EKUMENIKO
SA PANGKALAHATANG IGLESIA,
BIYAYA, AWA AT KAPAYAPAAN MULA KAY KRISTONG TAGAPAGLIGTAS NA IPINANGANAK SA BETLEHEM
Mga Kagalang-galang na kapatid na Herarka,
Minamahal kong mga anak sa Panginoon,
Ngayon ay ipinagdiriwang ng ating Banal na Iglesiya ang Kapanganakan sa laman ng walang pasimula na Anak at Salita ng Diyos, itong “kakaiba at hindi pangkaraniwan na misteryo” na “iningatang lihim sa napakahabang panahon at sa mga salinlahi (Col. 1:26). Kay Kristo, ang katotohanan patungkol sa Diyos at sa sangkatauhan ay tunay na nahayag, gaya ng teolohikal na pagkapaliwanag ni San Cirilo ng Alehandriya na nagsasabi: “Tayo ay tao sa kalikasan, subalit Siya ay nagpakababa na taliwas sa Diyos niyang kalikasan alang-ala sa pag-mamahal at naging tao. Sa katangian, tayo ay mga lingkod ng Diyos bilang kanyang nilikha, subalit siya ay naging lingkod muli, taliwas sa kanyang pagka-Diyos nang Siya ay maging tao. Subalit ang ganitong pag-kakabaligtad ng mga pangyayari ay sumasalamin sa katotohanan na: Siya ay Diyos sa esensiya o kalagayan, at tayo, nang dahil sa grasya, ay nagawang umahon o natamo ang isang bagay na taliwas sa ating pag-katao. Sapagkat tayo ay tao, at Siya ang Anak sa kalikasan, datapuwat tayo ay naging mga anak din sa kalagayan gaya rin ng pagkakatawag sa atin na makipagkaisa sa kanya.”[1]
“Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Jn 8:32). Ang ating Panginoong Hesu-Kristo “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Jn14:6), ang tagapagpalaya sa tao “mula sa mga naging alipin hanggang sa mga naging kaaway. Walang buhay at kalayaan nang wala ang Katotohanan o labas sa Katotohanan. Ang pag-bibigay ng anumang kahulugan sa mga bagay na ating ninanais sa ting buhay ay hindi kalayaan, subalit makabagong kahulugan ng orihinal na pagkakasala, ang ating pag-sasarili ng may sariling kakayahan at sariling pag-papanatili ng kalayaan, nang walang ugnayan sa katotohanan bilang isang relasyon sa Diyos at sa ating kapwa. Ang Pasko ay panahon para sa pag-saliksik, sa pag-kaalam ng pag-kakaiba sa pagitan ng ”pag-kakatawang tao ng Diyos” at “pag-ganap ng tao bilang Diyos.” Ito ang panahon na kung saan na buksan ang diwa sa pananampalatayang Kristiyano “na hindi tayo nagsasalita na ang tao ay nagiging Diyos sa kalikasan, datapuwat ang Diyos ay nagkatawang tao.”[2]
Ang mensahe ng mabuting balita patungkol sa Pasko sa ngayon ay umaalingawngaw kasama ng maingay na digmaan at labanan ng mga armas sa Ukranya, na siyang patuloy na dumaranas ng nakakatakot na pinsala ng isang nakakagalit at walang dahilang pananakop. Sa ating mga Kristiyano, ang lahat ng digmaan ay pag-patay ng ating mga kapatid; lahat sila ay isang uri ng digmaan nang pangkaraniwang mamamayan, na kung saan pinagtibay ng Banal at Dakilang Konseho ng Iglesia Ortodoxa, na “ito ay bunga ng pananatili ng kasamaan at kasalanan sa mundo.”[3] Sa kalagayan ng bansang Ukranya, ang mga salita ni San Gregorio Palamas patungkol sa magkapanahon na madugong pagtatalo ng mga mananampalatayang Orthodox sa Tesalonika ay tunay pa rin na maiuugnay: “Sapagkat ang kanilang panlahatang tagapag-alagang Ina ay ang Santa Iglesia at pananampalataya, na siyang puno at tagapag-ganap ay si Kristo, ang tunay na Anak, na hindi lamang natin Diyos, na itinalaga ring nararapat bilang ating kapatid at Ama.”[4]
In the person of Christ, the “recapitulation” of all has been achieved, the emergence of unity within the human race and the sanctity of the human person, the opening of the way toward the “likeness of God,” and the revelation of the peace “that surpasses all understanding” (Phil. 4:10). Christ is “our peace” (Eph. 2:14), and it is to Christ that the historic and emblematic Sacred Church of “Holy Irene” is dedicated in the City of Constantine.
Sa katauhan ni Kristo, ang pag-diin o pag-bibigay halaga sa mga bagay ay muling natamo, ang pag-papakita ng pag-kakabuklod ng sangkatauhan at ang kabanalan ng isang tao, ang pag-bubukas ng daan patungo sa “larawan ng Diyos,” and pag-kakahayag ng kapayapaan “na higit pa sa kaya natin maunawaan.” (Fil 4:7). Si Kristo “ang ating kapayapaan” (Efe 2:14), at nang dahil kay Kristo ang makasaysayan at simbolikong Sagradong Dambana ng Diyos na itinalaga sa “Banal na Kapayapaan” ay ipanangalan, na siyang makikita sa Siyudad ng Konstantinopla.
Ang ating Manunuboas ay binabasbasan ang mga “gumagawa ng kapayaapan,” sapagkat “sila ay tatawaging mga anak ng Diyos” (Mat 5:9); Siya na nagbabahagi ng katwiran at pagmamahal kahit sa ating mga kaaway. Sa Banal na Liturhiya, ang Iglesia Orthodox ay nanalangin “para sa kapayapaan na nagmumula sa itaas” at “para sa kapayaapan ng sandaigdigan.” At sa Liturhiya ng Dakilang San Basilio, tayo ay dumadalangin at nagbibigay luwalhati sa Tagapagbigay ng lahat ng mabubuting bagay: “Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kapayapaan at ang iyong pagmamahal, Panginoon aming Diyos; sapagkat ipinagkaloob mo sa amin ang lahat ng bagay.” At bilang tagapagtanggap at labis na nakinabang ng lahat ng bagay mula sa Diyos, tayo ay may pananagutan higit kanino man na magsumikap na matamo ang kapayapaan ng naaayon sa banal na kasulatan: “Sapagkat ang pinagkalooban ng marami ay hihingan ng marami” (Luk 12:48). Nang sa gayon, ang lahat ng ginawa ng mga Kristiyano na taliwas sa turong ito ay hindi tuwirang nakakasira sa Kristiyanismo datapuwat doon sa mga tao na namuhay malayo sa mga banal na utos.
Wala sa kasaysayan ng sangkatauhan na ang kapayapaan ay itinuring na walang halaga. Manapa, ito ay sumasalahat at palagiang bunga ng mga taong may pagkukusa, ng may tapang at sakrispisyo, ng may paglaban sa kaguluhan at may pag-iwas sa digmaan bilang pamamaraan para matugunan ang pagkakaiba, at patuloy na pakikibaka sa hustisya at pagpapanatili ng dignidad ng tao. Ang kanilang pakikibahagi sa kapayapaan at pagkakasundo ay bumubuo sa pangunahing kredebilidad ng isang relihiyon. Sa loob ng tradisyon ng isang relihiyon, ay hindi maitatanggi ang pagnanasa hindi lamang sa pansariling kapayaapan, subalit ang pagnanasa na maisakatuparan at maitaguyod ang kapayapaan sa lipunan at mapagtagumpayan ang karahasan sa pagitan ng mga tao at mga bansa. Lalong higit na mahalaga sa ating panahon kung pananatilihin ang kapayapaan nang dahil sa paglago ng ekonomiya, pagtaas ng antas ng buhay, at paglago ng siyensiya at teknolohiya sa pamamagitan ng makabagong komunikasyon at internet. Tayo ay nanininiwala na walang kapayapaan sa mga tao at sibilisasyon kung walang kapayapaan sa mga relihiyon, walang pag-uusap at walang pag-tutulungan. Ang pagsampalataya sa Diyos ay nagpapatibay sa ating pagsusumikap sa isang mapayapang mundo, at may hustisya, kahit na ang pagsusumikap na iyon ay dumaranas ng maraming matitinding pagsubok. Magkaganun pa man, hindi katanggap tanggap sa isang mangangaral ng relihiyon ang ipalaganap ang panatisismo at pagalabin ang apoy ng galit.
Mga kagalang-galang na kapatid at minamahal ng mga anak,
Si Kristo ay isinilang, atin Siyang luwalhatiin. Si Kristo ay bumababa mula sa kalangitan ; halina at Siya ay salubungin. Si Kristo ay nasa lupa; magbangon upang Siya ay batiin ! Sa pagsunod sa mga tagubilin o payo ng mga banal na ating sinundan sa Trono ng Iglesia ng Konstantinopla, tayo ay magdiwang sa pagsilang ng Tagapagligtas ng mundo nang may espiritwal na kagalakan, “hindi sa paraan ng sangkatauhan, subalit sa paraan ng sangkalangitan,” iniiwasan “ang lahat ng labis at hindi kailangan; lalo na kung ang iba – na nilikha sa parehong luwad o putik at paglikha – ang nagdaranas ng kagutuman at kahirapan.”[5] Kami ay sumasamo na kayo ay magtamasa nang mapagdasal at maluwalhating Banal na Labingdalawang Araw ng Pasko, gaya ng dalisay na panahon nap uno at maningning na liwanag sa kawalang hanggan. Nawa ang papasok na taong dalawang libo at dalawapu’t tatlo (2023) ay magpatunay, sa pamamagitan ng kabutihan at grasya ng Banal na Salita (Logos) na nagkatawang tao para sa atin at para sa ating kaligtasan – na maging panahon ng kapayapaan, pag-ibig, at pagkakaisa, tunay na taon sa kabanalan ng ating Panginoon!
Hangad namin ang maraming taon ng pag-papala.
Pasko 2022
+ Bartolome ng Konstantinopla
Ang inyong masugid na tagapagsumamo sa harapan ng Diyos
______
[1] Cyril of Alexandria, Thesaurus on the Holy and Consubstantial Trinity, PG 75.561.
[2] John of Damascus, Exact Exposition of the Orthodox Faith, PG 94.988.
[3] The Mission of the Orthodox Church in Today’s World, IV, 1.
[4] Gregory Palamas, On Peace with One Another, PG 151.10.
[5] Gregory the Theologian, On the Feast of Theophany, or the Nativity of Christ, PG 36.316.